4 Paraan para maiwasan ang magnanakaw na tawagain natin sa pangalang “Silent Thief”

Kilala niyo ba si “Silent Thief”? Nabalitaan niyo na ba siya sa TV Patrol? Sa CNN kaya? E sa Bloomberg? E sa kapitbahay niyo na alam ang lahat?

Kung hindi niyo pa sa nababalitaan si “Silent Thief”. Baka mas makilala niyo siya sa pangalang “Inflation”.
Ano nga ba ang inflation? Eto ba yung kapag tina-try mo i-inflate ang isang lobo, ang tawag sa ginagawa mo ay “inflation”? Tama, pero hindi yan ang tinutukoy ko na “Silent Thief”!

Ang aking tinutukoy ay yung “Inflation” sa economics. Eto ay yung pag taas ng presyo at pag bagsak ng value ng pera natin.
Ang Inflation rate natin ay sabihin na nating 4% per year*1. So kung meron kang 100,000 pesos sa banko last year, this year bumaba na yan ng 4%! Physically 100,000 pesos pa din yan kahit bilagin mo pa, pero yung value ay naging 96,000 pesos nalang! Nasaan na napunta ang 4,000 pesos mo? Ayun! Kinuha na ni “Silent Thief”!

Si

E magbigay nga sa pulubi ayaw mo. Ni piso nga lang na kulang ng officemate mo sa iyo e nanggagalaiti ka na. Pero si “Silent Thief” hinahayaan mong kuhanan ka ng 4,000 pesos! E nakakain ka na sana sa Vikings araw-araw for one week!

Bakit mo hinahayaan manakawan ni “Silent Thief”?

Hindi na mawawala si “Silent Thief”, nandiyan na yan. Pero pwede natin siyang labanan.

Eto ang mga paraan:

4 na paraan
1) Babaan ang Life Style kada Taon
Kung Venti na StarBucks Dark Mocha Frapuccino ang inoorder mo, gawin mo nalang yang Tall. Or mag hot beverage ka , para may mas maliit, yung short ang orderin mo.
Kung kumakain ka ng 2cups of rice kada meal, gawin mo nalang 1/2 cup of rice (Actually pwede mo gawing diet plan ang inflation :p). So, dadating din ang araw na hindi ka na kakain ng kanin dahil sobrang mahal na nito :p

2) Galingan sa Trabaho para ma-promote!
Kung Junior Software Engineer ka ngayon, dapat next year Senior Software Engineer ka na! Kailangan mo mag OT ng mag OT ng mag OT. Alisin mo ang social life mo! Wag ka kumain ng tama (Sorry na carried ayaw, wala po akong pinag huhugutan, nakwento lang po saakin yan).
Kapag tumaas ang posisyon mo, tiyak, tataas din ang sweldo mo!

3) Time Deposit
Kapag nag time deposit ka, pwede kang makakuha ng hanggang 2% na pag taas sa pera na nilaan mo. So kung may 100,000 pesos ko, madadagdagan ka ng 2,000 pesos. Not bad! 2,000 nalang ang ninakaw ni “Silent Thief” sa iyo! Hindi mo na masiyadong kailangan babaan ang life style mo o kaya magpagod sa trabaho.

4) Investments
Minsan kapag nakakarinig tayo ng investment, iniisip natin malaking pera kaagad ang ilalabas natin. Minsan naman, iba ang trato natin sa Investment. Katulad ng iPhone. Minsan may excuse tayo na, “Ay kailangan ko na mag upgrade ng iPhone, investment din ito, mas mabilis na ang bagong iPhone, mas magiging efficient ako”, kung saan ka man magiging efficient e hindi ko na alam.
Ang Investment o Investing ay isang paraan para lumago ang ating pera, magka-profit kung baga. Hindi natin palagi kailangang mag labas ng malaking halaga para makapag-invest tayo.
Sa investment, pwedeng lumago ang ating pera at malabanan si “Silent Thief”. Paano?
Maraming paraan para makapag invest.
Pwede ka mag-invest sa business.
Pwede ka din mag lagay sa bonds or stocks**. Hindi man ito guaranteed, pero malaking malaki ang potential** na tumaas ang pera na nilaan mo dito.
Maraming kumpanya ang nag-ooffer nito.

Kung gusto mo pa malaman ang ibang impormasyon. Fill-upan lang ang form na nasa baba.
Kapit kamay tayong labanan si “Silent Thief”. Yahoo!!!


*1 http://www.bsp.gov.ph/downloads/Publications/2014/IR3qtr_2014.pdf

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s