Our Disposable and Cloth Diaper Journey

Sa pag-pili ng diaper sa aking mga anak, malaki talaga ang factor ng price. Meron pang google sheets ang asawa ko para malaman kung ano ang pinaka murang disposable diaper! So based dito parang ang diaper ng mga elite (LOL) ay Huggies at Pampers!

Ang mga natry na namin na diaper ay ang mga sumusunod:

  • EQ
  • Huggies
  • Pampers
  • Happy Pants
  • Cloth Diaper

EQ Journey

Na-try namin yung EQ dahil mura siya, and ginagamit ng pamangkin ko dati (around 2013 ito). Based sa observation namin, ok naman, pero nung nag EQ pants na kami, parang napansin ko yung garter sa legs, e medyo hindi ok, parang weird, or malaki lang pata ng panganay ko :p Meron na ba na ka experience nito sa EQ? Comment lang kayo! Tapos, nag start na ma-uso ang LAZADA, tapos kung mag sale ng diaper e akala mo wala ng bukas! Yung tipong mapapanic buying talaga ang mga tao. So ang mura ng Huggies at ng Pampers gurl! Nung time na ito, ang endorser ng Huggies ay si Rica Peralejo. E fina-follow ko si Rica sa IG, so gusto kong itry ang Huggies at mas mura pa din siya sa Pampers :p

Huggies and Pampers Journey

So palagi na namin inaabangan ang DIAPER-SALE-NA-PARANG-WALA-NG-BUKAS sa Lazada. So nung nabuntis ako sa pangalawa ko, sakto may sale nanaman, So dito nakabili na kami ng Pampers Premium Care, at Huggies din hehe. Ang mahal kasi nung Pampers Premium Care (kaya hinaluan namin ng Huggies). Pero parang gusto namin i-try.

So ang arrangement ay, yung Pampers Premium Care sa gabi, tapos Huggies sa umaga. Yung premium care, ginawa kong pang-gabi kasi ang claim is, “Dryness for 12- hours”.

Totoo naman!!! Kaya yung Pampers Premium Care ay pang-gabi nalang at pang-alis.

Yung “Dryness for 12-hours”, kaya ganito ay meron siyang Magic Gel Channels si Pampers Premium Care.

Pero sobrang nakakatuwa talaga yung Pampers Premium Care, as in dry talaga ha! And, ang nipis pa niya, so hindi bulky. Hindi yung parang nag mu-mukhang komang si baby. Tapos ang pinaka gusto kong feature niya ay yung wetness indicator. Ang shala lang! Parang gadget lang ang diaper ni Pampers hehe.

Happy Pants

Hmmm, paano nga ba kami napunta sa Happy Pants? Ahh kasi mura siya! Pinaka mura sa super market na pants diaper. So tinry namin. OK naman! Pero paminsan nau-ubusan ng stock sa super market, tapos sasabayan pa ng sale sa Lazada ng Huggies, so hindi na kami nag Happy pants (well paminsan nalang kapag meron naabutan sa Super market, wat wala na stock ng Huggies). Pero, ok naman siya, hindi siya yung nag sa-sag kapag matagal. Kapag sobrang tagal lang HAHAAH!

Cloth Diaper Journey

Pero nag stop na kami mag Pampers, kasi ang mahal na niya, and hindi na namin na-aabutan yung sale sa Lazada (kasi laging ubos na hahah!). So Huggies na kami. Nung lumaki laki si baby, ang sa influence din ng SIL ng husband ko, nag try kami mag cloth diaper. Niregaluhan din kasi ako ni BabyBabsStore ng sangkatutak na cloth diaper. So tinry namin. Sa una, struggle talaga ang cloth diaper, kasi laba, palit ng palit. Super hassle. Tapos mas prone daw siya sa UTI kasi nga kapag na soak na sa wiwi ayun na. Pero nakuha din namin yung “groove” namin with cloth diaper with the help of SIL din. So ang bagong arrangement is habang hindi pa potty train si baby, sa umaga ay cloth diaper sa gabi ay Huggies.

Naging eager din akong mag cloth diaper, kasi naisip ko yung kalat na kino-contribute ko kay mother earth. Kung iisipin mo, sa isang araw, 3 to 5 times mag papalit si baby. So to the math, 3 to 5 diapers per day times 365 days, ilan yan? Tapos sabihin na nating 2 1/2 years na nag da-diaper si baby. Tapos, ilan ang bata sa mundo? Hehehe so ayun. Gusto ko talagang i-try na switch to cloth na lang. para wala na talagang kalat. And laba laba nalang (renewable resource naman ang water).

Meron ba kayong alam na study about dito? Kasi baka naman kapag nag cradle to death, e ang dami namang tubig na nasasayang. Hay nako, sa ibang post nalang iyon HAHAH!

So ayan po ang aming diaper journey. Ngayon expecting ako, balak ko ay mag cloth diaper sa umaga, tapos disposable diaper sa gabi. Ang plan ko ay Huggies. Pero, si Pampers ay may planong, mag-labas ng bagong wave ng Pampers Baby-Dry (yung mas mura sa premium care) at, may Magic Gel Channels na din siya. Yan yung feature ni Pampers Premium Care kaya siya super dry and super ganda!

So antayin natin kung magkano lalabas si Pampers Baby-Dry, at ang kanyang performance. So possible na si Huggies ay maging Pampers. Depende pa din sa price at sa feature.

Luckyliy, na-sama ako sa Pampers Round Table Event ni Pampers kahapon (Feb 20). And dito inexplain nila ang bagong Pampers Baby-Dry. And binigyan din kami ng sample ng New Baby-Dry. Abangan ang post ko dito!

I-try ko ito sa aking pangalawa! At tingnan natin!

Ang Pampers Baby-Dry ay lalabas officially sa March 16. So sa mga gusto ding i-try, follow niyo lang ang Pampers IG https://www.instagram.com/pampersph/

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s